WALL OF FUCKING DEATH!

(Source: iidammaaria)

(Source: 2000ish)

July 8, 2013

Today, two people degraded me. Those words killed me. Deep down to my bone. Well maybe because I am too sensitive. But no, its bc their words are too hurtful.

That day I went to Dermatologist with my Auntie. Because of my finger allergies. They take some sample, cut my nails, & scrapped it. And we went to the store where my Mom’s staying at. And also, my uncle was there..

So they asked me.. Waht happened (at the derma blah blah) so i told them the story, so my rude and stupid uncle just told me.. “What about your face? Why you didn’t let them scrapped it?” And he was smiling.. The thing is.. I didn’t say anything, coz I don’t wanna be rude to him. I fucking respect him still. So I just smiled. But inside of me was really hurt.


2nd.. My mom.
I was deep asleep, and then she asked me if I already gave money to my Aunt for our ticket. I said i’ll pay her this Wednesday. And then she started complaining about me not giving money or something to my Another Aunt, she was like “MAGALING KA LANG SA UNA” and it fucking break me. I wanna fucking cry. But no. I wont, maybe rn, i will.

I am too pressured about my life here in America. I am not prepared. In one snap, i need to have a job.. So i can pay them, buy this, pay that, pay this. And save money. Idek anymore.

Tbh. I got a lot of things to pay.. And my mom is pressuring me.
1. My phone
2. Plane ticket
3. Life insurance
4. Money for car
5. House
6. Food

And I dont even get paid that much.
I just cant yell at my mom and tell here i am pressured bc she always have a thing against me. So i always keep my mom shut instead.

I just wanna die rn.
Forget all this shits.
Be a ghost.
Or
Idk.

Ladies of the Whoniverse

↳ Rose Tyler

“You don’t just give up. You don’t just let things happen. You make a stand. You say no. You have the guts to do what’s right when everyone else just runs away.”

(Source: mattheldres)

doctorwho:

Ten.

doctorwho:

Ten.

(Source: jukugo)

Sorry sir, but I don’t understand how your face works: Tentoo (David Tennant) - Journey’s End

(Source: grantairely)

ANAK SA LABAS.

This is for my relatives. My moms side. Yes, I am blogging for each and everyone of you. I don’t even fucking care if one day you guys will see/saw this online. I don’t fucking care if your kids will see this. Think I am rude? Think again after you guys finish reading my blog.

Naranasan nyo na ba makaramdam ng pangliliit ng sarili mong pamilya? Malamang sasabihin nyo oo. Okaya naman ihahalintulad nyo sa mga sarili nyong karanasan. Eh yung tipong nagmumukha kang tanga sa harap ng pamilya mo?? Syempre oo na naman yan. Kayo pa. Oo ng oo. Pabida eh.

Hindi pa man ako naipapanganak, o habang lumalaki ako.. Nakakarinig na ako ng kung ano ano tungkol sa inyo.. Sabi ng nanay ko, mababait daw kayo. Bawat isa sa inyo, matulungin, maunawain, lahat ng pagpapabango sa inyo nasabi ng mommy ko sa akin. Ako bilang anak at pamilya sa labas ni mommy, alam ko na kahit sabihin nyo na okay sa inyo eh alam ko na di nyo pa din matanggap kung ano ang pinili ng nanay ko. Kung tutuusin malaki talaga ang utang na loob ng nanay ko sa inyo. At sasabihin ko sa inyo, hindi kinakalimutan ng ina ko yun. Ni ultimo yung kagaano pa katagal iniisip nya pa din yun.

Naalala ko, nasa america na kame. Unang unang beses na nagsabi sa akin ang nanay ko. “Alam ko naman maliit ang tingin nila sa akin eh. Wala kase akong pera. Wala kasing pera ang daddy mo. Mahirap kase ang daddy mo. LUMANDI KASE AKO. SUMAMA KASE AKO SA DADDY MO” tumatak sa isip ko yan. Dahil sa mga trato nyo sa amin.

Andyan yung kung murahin nyo nanay ko kahit sa harap ko. Nandyan yung kung utusan nyo bara bara. Andyan yung sigawan nyo siya. Ako bilang anak, gustong gusto ko kayong sagutin, sigawan, murahin pabalik. Pero naisip ko, hindi nalang ako iimik. Dahil maayos akong pinalaki ng mga magulang ko kahit wala kaming pera. Kahit mahirap lang kame. Kahit na sumama sya sa ama ko.

Balik tayo nung nasa Pilipinas kame. Sino ang inuutusan nyo kapag may pabili kayo. Kahit may bagyo, susugudin namen, para sa inyo, para di kayo magalit. KASE MAY UTANG NA LOOB KAME. Kapag may mga negosyo kayo, sino ang pinagbabantay nyo, sino ang inuutusan nyo, PERO HINDI NYO PINAGKAKATIWALAAN. PERO PINAGDUDUHAN NYO. Lahat ng yan? Wala lang yan. Okay lang sa nanay ko yan kase nahihiya sya at malaki ang utang na loob nya sa inyo!-

Eh yung sasabihan nyo kame na kung hindi dahil sa negosyo mo eh dapat nasa kangkungan na kame. Alam mo, sa totoo lang. Naranasan na naming magdildil sa asin, magulam ng bagoong, kaya kahit na habangbuhay kameng nasa kangkungan na sinasabi mo, masaya kame kung anong meron kame. Kung anong buhay ang kakalabasan namen. Kung anong buhay ang meron ang nanay ko sa piling ng ama ko. Mas okay nga yun eh, hindi magiging mabigat ang loob ng nanay ko dahil sa mga kapatid nya. Hindi liliit ang tingin nya sa sarili nya. Saka mabubuhay kame ng wala kayo. Hindi ako nagmamalaki, pero alam ko na mabubuhay talaga kame ng walang tulong nyo.

Spam, Balikbayan box, chocolates, kapag nakakatanggap kame ng mga bagay na yan, ang unang sinasabi ng nanay ko.. “Magpasalamat agad kayo” dahil ayaw ng nanay ko na makarining ng kung ano man, but either way.. May mga makakating dila pa din. May mga salitang di mo gustong marinig ang lalabas pa din.

Petisyon, kung hindi dahil sa inyo hindi kame makakapunta dito. Hindi AKO makakarating dito. Hindi ko madadala ang DADDY KO dito. MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT HO. HABANG BUHAY NA UTANG NA LOOB KO HO ITO SA INYO AT NG DADDY KO.

Pero hindi ko po gusto ang mapunta dito. Ni hindi ko pinangarap. Lagi akong nakatawa sa mga sinasabi nyo na “KUNG SINO PANG SAMPID SYA PANG NAKAPUNTA NG AMERICA. DAPAT SILA JESSA AT JULIUS ANG NANDITO EH” Ngingiti lang ako sa inyo, tatawa, gagatungan para kahit papaano mapawi yung sakit ng mga nasabi nyong salita. Pero hindi nyo alam na yang mag salita nyo eh sobrang nasasaktan ako. Isinasampal nyo kahit sa akin na hindi ako dapat nandito.

Ako bilang SAMPID, nahihiya din. Dahil sabawat GUSTO nyong mangyari, sunod sunuran ako. KASE YUNG ANG GUSTO NYO, KASE YUN ANG ALAM NYONG TAMA, KASE MAY UTANG LOOB KAME, KASE NAHIHIYA KAME. Oo pwedeng tumanggi, pwede kong gawin ang gusto ko, pero ano ang kapalit? Panunumbat. Pangmamaliit. Pangkukumpara.

Ang ate ko, o yung mga tunay na anak. Nakakarinig din ng panunumbat. Yung sasabihin at uulitin na “pinagaral kase kayo eh. Inuna nyo pa paglandi”. Naalala ko din na sabi ng nanay ko, “MALIIT ANG TINGIN NILA SA ATIN, SA AKIN, SA ATE MO. KASE KUNG ANONG GINAWA KO GINAGAWA DIN ATE MO. PINAMUMUKHA NILA SA AKIN YUNG MALI KO. LUMANDI KASE AKO” nakakapanghinang marinig yun sa nanay ko. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Naninikip ang dibdib ko. Gustong gusto ko kayong sugudin, sapakin, kausapin kung bakit ganon amg trato nyo sa amin. Pero hindi pa din, ginagalang ko pa din kayo bilang tito at tita ko. Dahil maayos ang pagpapalaki sa akin ng nanay at tatay ko.

At nito lang, narinig ko ang pinakasakit na salita. “BAKIT PA SUMAMA ANG MAMI MO SA DADDY MO EH KASAL NAMAN PALA SILA NUNG UNA” para mo na din sinabing “bakit ka pa pinanganak dapat sila Jessa at Julius dapat dito.” Nadurog ako dun, nangilid ang luha. Pero nakipagbiruan pa ako sayo, sinabi ko na gwapo kase ang daddy ko kaya ganun. Nakipagtawanan. Pero sa loob ko, umiiyak na ako.

Alam ko malaking malaki ang utang na loob namen sa inyo. Lalo na ako, at ang daddy ko. Kaya kung sumunod nalang kame ng nanay ko sa inyo eh parang mga alipin, parang asong naaaligaga kapag inuutusan ng amo nya. Hirap na ako. hirap na akong makisama sa mga taong di naman din marunong makisama. hirap na akong rumespeto sa mga taong di naman kame nirerespeto pabalik. Pero gaya nga ng laging sinasabi ng nanay ko.. “PABAYAAN MO SILA, KAYA KONG TIISIN YUN, KAYA KO YANG MGA GINAGAWA NILA SA AKIN DAHIL MAY UTANG NA LOOB AKO/TAYO SA KANILA”

papabayaan ko lang kayo, pero pagdating ng panahon, darating ang araw na magiging pantay ang pagtingin nyo sa akin at sa daddy ko.

Ako bilang SAMPID, ANAK SA LABAS, ANAK NG MAHIRAP, ANAK NG WALANG PERA, ay maayos at mabuting pinalaki ng mga magulang ko. Tinuruang rumespeto sa mga tao lalong lalo na sa inyo. Tinuruang tumanaw ng utang na loob, at lalong lalo na ang magpasensya sa mga ugali nyo.

Sampid man ako, bunga man ako ng paglandi ng nanay ko, mas maipagmamalaki nyo ako kesa sa mga anak nyong, may kanya kanyang bastos na ugali.

Hindi man perpekto ang pamilya na meron ang nanay ko, pagdating ng panahon, kakainggitan nyo ang kung anong magiging meron si Sally, kasama si Romy, kasama ang PANGALAWANG ASAWA. Kasama ang lalaking pinili nya kesa sa unang asawa, kasama ang lalaking walang pera, at mahirap.

Isang araw, makakabayad din kame ng utang na loob sa inyo, may interes pa.

-JOANNA ROSE CABAÑERO NGA PALA, ANG SAMPID NA SINASABI NYO.

Kiss my scars. And tell me they I am still beautiful.

Kiss my scars. And tell me they I am still beautiful.